Ang ating Panginoon ay Panginoon na di
nagsasawa sa pagiging isang mapagmahal na Panginoon; pagtawag sa atin tungo sa
isang buhay na ganap, buhay na banal, tungo sa isang buhay sa piling Niya.
Sa ating pagsunod sa Kanyang mga turo at
yapak, ilang beses na ba tayong nadarama, nagkakamali, nagkakasala, na tutukso
at bumibigay sa mga tuksong ito? Ilang beses na ba tayong sumuway sa Kanyang
mga ibig?
Ngunit higit sa ating mga pagkakamali,
marapat na bigyan natin ng diin kung ilang beses na ba tayong bumangon mula sa
pitak ng kasalanan, nagsisisi ng lubos sa mga nagawang kasalana, nagbalik-loob
sa ating Amang maawain?
Sa kabila ng ating mga pagkukulang,
alalahanin natin ang walang hanggang awa at pagmamahal ng Panginoon
para sa atin. Lagi siyang nariyan, kasa-kasama natin, nakaantabay sa bawat
hakbang na ating gagawin. Kailan man di Siya sumuko para sa atin.
Sa ebanghelyo, narinig natin si Kristo kung papaano niyang sinumpa ang
mga makasalanan. Higit sa masasakit na salitang namutawi sa bibig ni Kristo,
maramdaman nawa natin ang dakilang pagmamahal at awa ni Kristo para ating mga
makasalanan. Nais Niyang tayo ay maliktas, kaya ganoon na lamang ang
pagsusumamo Niyang talikdan natin ang anumang masamang gawi, mga gawing taliwas
sa nais ng Amang nasa langit.
Sa gitna ng kadiliman, pagkakasala at
kawalang pag-asa, ang ating Panginoon ay nariyan laging naghihintay para sa
ating pagbabalik loob sa Kanyan.
No comments:
Post a Comment