“Kayo naman” wika ni Hesus “Ano
ang sabi ninyo? Sino Ako?”[1]
Sa tanong na ito ating simulan ang ating pagpapaliwanag sa kung sino si Hesus
para sa mga Pilipinong Katoliko. Kapara ni Simoun Pedro, tayo rin ay tinatanong
ngayon kung sino si Hesus para sa atin: “Kayo naman, mga
Pilipino, ano ang sabi ninyo? Sino Ako?”
Katuparan ng
Pangako ng Kaligtasan
Kay Hesus, ating naranasan at
nakamit ang pangako ng kaligtasan; kaligtasang ipinangako noong unang-una pa,
noong simula ng kasalanan at paghihirap sa mundo. Sa labis na pagmamagandang
loob ng Diyos sa tao, minarapat niyang iligtas ang tao mula sa pagkakasala,
paghihirap at pagkamatay. Kanya itong dagliaang ipinahayag sa sandaling napagtanto
ng tao ang kalapastangan at pagsuway niya sa Diyos, at ipinahayag ng Diyos ang
kanyang kaparusahan. Mababasa sa aklat ng Genesis:
Dito unang nasilayan ng tao ang
pangako ng kaligtasan: proto-evangelium. [2]
Kailanman di ninais ng Diyos na ang tao ay maghirap o mamatay. Ang origihinal
na plano ng Diyos sa tao ay manahan sa paraiso kapiling Niya. Kung saan mayroon
masigla at payapang ugnayan sa pagitan Niya at ng tao.[3]
Mababakas sa kasasayan ng mga
Israelita, bilang isang sambahayan, sambayanan at kaharian, ang pagkilos ng
Diyos upang tuparin ang pangako ng kaligtasan. Datapwat makailang ulit na
binigo ng tao ang Diyos, Siya ay nanatiling tapat sa Kanyang pangako. Siya ay
naghirang ng mga Patriarko, Pari, Hukom, Hari at mga Propeta upang magpaalala
sa tao na maging sa kanilang Tipanan. Sa kabila ng mga ito naging matigas ang
puso ng tao sa pagtanggap sa kagustuhan ng Diyos. Ngunit ang katigasan ng puso
ng tao ay hindi hadlang upang maisakatuparan ng Diyos ang Kanyang kagustuhang
makapiling ang tao.[4]
Nang sumapit ang takdang panahon,
isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang ipahayag sa tao ang dakilang pagmamahal
ng Diyos sa tao. Higit sa lahat, isinugo ng Ama ang Anak upang hilumin ang
sugat sa kalikasan ng tao, na siyang hadlang sa isang masiglang ugnayan sa
Diyos at tao. Ang lahat ng ito ay tinupad ng Anak sa pamamagitan ng pagaalay ng
sariling buhay bilang ang pinakakaayaayang alay para sa Diyos mula sa tao. Ang
alay ni Hesus ay sapat upang pagbayaran ng tao ang mga pagkakasala nito laban
sa Dioys. Ang tao nagkasala at nagkautang sa Diyos. At sa kanyang mumunting
paraan di niya mabayaran ang pagkakautang na ito. Sa pagmamagandang loob ng
Diyos minarapat niyang siya na mismo ang magbayad para sa tao, sa Kanya na
magmula ang pambayad ng tao sa Diyos.
Sa pagkakatwang tao ng Diyos, sa
katauhan ni Hesus, tayo ay tinuboos mula sa kasalanan at kamatayan. Kay Adan
nasara ang pintuan ng paraiso para sa tao, sabi ni san Juan Crisostomo. Kay Hesus
nabuksan ang pintuan ng langit para sa tao. Kung gayun mas dakila nakamit kaysa
sa nawala.[5]
Katatagan ng
Lahing Kayumanggi: Deeply Rooted in Jesus
Ang ating bansang Pilipinas bilang
isang Republika ay nasa murang gulang pa, kung ihahambing sa mga nasa sa
kanluran. Kapara ng isang batang nasa murang gulang, hinaharap ng ating bansa ang
ibat’t ibang klase ng pagsubok, maging sa kaunlarang pang-ekonomiya man iyan o
sa pambansang kamalayan at mithiin. Nagsusumikap ang bawat Pilipino na
mapagtagumpayan ang bawat hamon na kalakip ng pagiging isang Republika. Sa
pagsusumikap na ito, lumalabas ang mga natatanging galing at katangian ng tunay
na Pilipino.
Di na bago sa Pilipino ang
kahirapan ng buhay. “Mahirap ang buhay.” Ito ang bukang bibig ng marami sa
atin. Kaya marahil sa tuwing darating ang isang kalamidad o bagyo, tayong mga
Pilipino ay di na hirap maki-angkop sa mahirap na kalagayan. Sanay na ang iba
na matulog sa malamig na sahig ng evacuation center. Sanay na ang iba na
malipasan ng gutom, ng kumain dalawa o isang beses lamang sa isang araw. Sanay
na ang iba na magpalipas ng maghapon sa ilalim ng tirik na araw. Sanay na ang
marami sa atin sa kahirapan. Ito ay naging parte na ng kanilang buhay. Tili
baga naging manhid na sa sakit at pagdaralita. Tunay ngang mahirap ang buhay
para sa marami sa atin. Ang pananalasa ng habagat sa buong ka-Maynilaan,
kamakailan, ay isa sa mga knokretong halibawa kung saan mamamalas natin ang mga
natatanging virtud sa lahing kayumanggi. Maraming naperwisyo ng mabilis na
pagtaas ng tubig ulan sa ka-Maynilaan.
Nalubog ang bahay, kasama lahat ng ari-arian, tanging natira ang damit na
suot-suot. Yung iba nawalan pa ng minamahal. Mahirap ang buhay.
Sa gitna ng kahirapan, tila baga
may isang kabalintuanan. Mababakas sa mga Pilipinong naghihirap ang ngiti sa
kanilang mga labi. Mararamdaman ang positibong pananaw sa buhay. Kapunapuna sa
mga evacuation centers at squatters’ area ang ingay ng tawanan at halakhakan. Di
natin mabatid kung saan nagmumula ang
magandang pananaw na ito. Ito ba ay sanhi ng pagiging manhid na ng Pilipino sa
hirap at sakit? O sadyang matuwain lamang ang mga Pilipino?
May roong limang karakter ng
Pilipino na iminumukkahi ang Katekismo para sa mga Pilipinong Katoliko o CFC. Ito
ay ang mga sumusunod: family-oriented, meal-oriented, kundiman-oriented,
bayani-oriented, at spirit-oriented.[6]
Ang limang katangiang ito ay maaaring magbigay liwanag sa natatanging
positibong pananaw nating mga Pilipino sa gitna ng kahirapan. Sa limang
katangiang nabanggit, nais kong bigyan diin ang ating pagiging
kundiman-oriented, maka-kundiman, kaugnay ng ating pagpapaliwag sa kung sino si
Hesus sa ating mga Pilipino. Madali makakuha ng ating simpatiya ang mga taong
inaapi o inaalipusta sa ngalan ng pag-ibig; mga martir kung tawagin natin sa
balbal at pangkasalukuyang salita. Kung kaya nga madaling napalapit sa marami
sa atin ang imahen ni Hesus bilang isang nagdurusang lingkod. Makikita ito sa
ating mga debosyon sa Padre Hesus Nazareno, Santo Entierro, at sa imahen ng
Sagradong Puso ni Hesus. Tayo ay nakikisimpatya sa mga nagdaralita dahil minsan
o sa kasalukuyan, tayo rin ay nakakranas ng kahirap ng buhay. Tayo ay
nananampalataya at dumadalangit sa isang Diyos na nagdusa at naghiram dahil
alam natin makakakuha tayo ng kanyang simpatya, dahil naranasan Niya rin ang
maghirap, ang magutom, ang iwan ng minamahal, ang masaktan, atbp. Sa tagpong
ito sa pagitan nating mga naghihirap at ng Diyos na nakaranas ng hirap at
sakit, nakakaramdam tayo ng ginhawa, napapawi kahit papaano ang sakit na dama
natin. “May awa ang Diyos” wika natin minsan “pagkat nauunawaan Niya tayong mga
napapagal at nahihirapan.[7]”
Sa gitna ng kahirapan ng buhay
tayong mga Pilipino, ang lahing kayumanggi, ay nananatiling matatag: Katatagang
nagmumula sa isang malalim na pananampalataya natin sa Diyos na minsan ding
nagdusa at naghirap kapara natin.[8]
Mahirap ang buhay, ngunit may awa ang Diyos.
Nuestro
Padre Hesus Nazareno: A deficient Filipino
face of Jesus
Tulad ng nabanggit sa una, may
espesial na lugar sa ating buhay ispiritual ang imahen ng naghihirap na lingkod
ng Dyos: ang Padre Hesus Nazareno. Ngunit sa isang masinsinang pagsusuri, tila
kulang ang ating pang-unawa sa konsepto ng paghihirap sa ating buhay
pananampalataya.
Sa tuwing sasapit ang Semana
Santa, kapansinpansin ang malaking bilang mga mananampalataya sa mga pook
sambahan o sa mga pilgrim sites. Mulla Lunes Santo hangggang Biyernes Santo,
halos di mahulugan ng karayom ang mga simbahan. Ngunit sa pagdating ng Sabado de
Gloria at ng Linggo ng Muling Pagkabuhay, kapunapuna ang pagkonti ng mga
nagsisimba, tila natapos na ang mahal na araw noong Biyernes Santo. Ang
pangyayaring ito ay nagmumula sa ating pang-unawa sa ating sariling paghihirap.
Ang buhay ng Pilipino ay mahirap, nauna na nating sinabi, walang katapusang
paghihirap sanhi ng samo’t saring mga sangkap sa ting lipunan. Madalas nating
naihahambing ang paghihirap ni Hesus sa ating sariling paghihirap, walang
katapusang paghihirap. Ang nais nating makita ay ang nagdurusang Hesus,
pasan-pasan ang Kanyang mabigat na Krus. Madalang o kung wala man ang may
debosyon sa Hesus na nabuhay na mag-uli. Si Hesus ay muling nabuhay. Hindi
natatapos ang Semana Santa sa Biyernes Santo. Ito ay nagpapatuloy hanggang sa
Linggo ng Muling Pagkabuhay. Ang pagpapakasakit, pagkamatay sa krus at
pagkabuhay na mag-uli ni Hesus ay isang buong misteryo. Hindi hiwalay sa bawat
isa. Kalakip ng sakit at kamatayan sa krus ay ang pagkabuhay na mag-uli. Ang
sakit at kamatayan ay maaaring tignan bilang daan lamang upang makapit ang
isang mataas na mithiin, sa kasong ito, ang pagtatagumpay mula sa kasalanan at
kamatayan. Di kailan man ninais ng Diyos na manatili tayong naghihirap at
mamuhay nang miserable. Ito ay pawang mga daan o paraan na maaaring gamitin ng
mapagtanto ang kadakilaan ng Diyos. Ang kahirapan ay di ang katapusan. Meron
pang higit kaysa rito. Ito ay ang buhay na ganap na ibinibigay sa atin ni Hesus
sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli: ang kaligtasan.
Ang imahen natin ni Hesus bilang
naghihirap na lingkod, kung gaanoon ay di sapat upang lubos nating maunawaan
ang mensahe ni Hesus sa atin: ang katuparan ng pangako ng kaligtasan.
Tampok ng
ating pananampalataya
Si Hesus ay nabuhay na mag-uli.
Kung di Siya nabuhay mula sa kamatayan, ang ating pananampalataya ay walang
saysay.[9]
Ito ang tampok ng ating pananampalataya: siyang pinakamahalagang kaganapan sa
Simbahan. Sa pamamagitan nito, napagtagumpayan ng tao ang kamatayan, kasalanan
at kasakitan. Dahil dito, muli, maaari ng maging ganap ang buhay ng tao, di
kapara ng sa Paraiso kung hindi higit pa, kapiling ang Amang nasa langit.
Ang pagkabuhay na mag-uli ni
Hesus ay nagdulot sa atin ng isang bagong buhay, malayo mula sa atin minana kay
Adan.
Maibubuod ang pagkabuhay na
mag-uli ni Hesus ng mensahe ng isang bagong buhay: pagbabagong buhay. Mula sa
kadiliman tungo sa limanag. Mula sa kasalanan at kamtayan tungo sa buhay na
ganap. Mula sa hirap tungo sa ginhawa.
Kung si Hesus na naghirap at
namatay sa krus ay muling nabuhay, kapara Niya tayo rin ay muling mabubuhay
kung ating tatanggapin ang hamon sa atin ng mysteryo ng ating pananampalataya:
Pagbabagong buhay. Kalakip nito ay ang pagtalikod mula sa kasalanan at pagwaksi
kay Santanas at sa kanyang mga gawa. Sa pagtupad ni Hesus sa pangako ng
kaligtasan, ginawa Niyang posible and dating impossible: mapagtagumpayan ng tao
ang kahirapan sa pamamagitan ng pagyakap at pagtanggap sa isang bagong buhay.
Pangwakas
Bilang pangwakas n gating
pagpapaliwanang patungkol sa kung pagkakakilanlan ni Hesus para sa mga
Pilipino, marapat na sagutin natin ang tanong na ating nabanggit sa una. “Kayo
naman, mga Pilipino, ano ang sabi ninyo? Sino Ako?” Si Hesus ang Diyos na
nagkatawang-tao, nagpakasakit, namatay at muling na buhay para tuparin ang
pangako ng kaligtasan. Di Siya nanatiling naghihirap, o nanatiling patay. Siya
ay muling nabuhay. Marahil ito ang maaari nating bigyang diin sa isang
Christology para samga Pilipino: Ang katotohanan na si Hesus ay
muling
nabuhay at di nanatiling sa hirap at kamatayan.
“Mahirap ang buhay” ito ang bukang bibig ng
marami sa atin. “Hanggang dito na lang ako” ang sabi pa ng iba. Ang ating
Panginoong Hesus ay di nanatili sa kahirapan at kamatayan. Ang Krus ay daan
upang kanyang makamit ang katuparan ng kaligtasan. Siya ay nabuhay na mag-uli.
Kung tunay tayong tagasunod Niya, tayo rin ay inaatasang di manatili sa
pagkakaalipin ng kahirapan, kasalanan at kamatayan ng sarili at lalong lalo na
ng kapwa. Mahirap ang buhay, ngunit, maaaring magbagong buhay. Salamat kay
Hesus na nabuhay na mag-uli upang kamtin para sa atin ang isang buhay na ganap.[10]
Magalak nang
lubos ang buong Sambahayan! Sa kaluwalhatian lahat tayo ay magdiwang! Sa
ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob. Siya ay muling nabuhay tunay na Manunubos.
[1] Mt 16: 15
[2] Gn 3:14-15
[3] Youth Catechism of the Catholic Church, Translated by Michael J.
Miller (San Francisco: Ignatius Press, 2011) 66. From hence forth YouCat.
[4] Jn 3:16
[5] YouCat 66.
[6] Catechism for Filipino Catholics (Manila: ECCCE, 1997) 34-44.
[9] 1 Cor 15: 1-58
[10] Mula sa awiting Exsultet
ni G.P. Arsciwals, OP