Thursday, September 6, 2018

TAMANG BAGAY SA TAMANG PANAHON

Gawin ang tamang bagay sa tamang panahon. Minsan wala sa lugar ang mga bagay na ginagawa natin. At kahit wala na sa lugar ang ginagawa natin, pinaninindigan natin, hindi dahil ito ay tama, kung hindi dahil ayaw nating mapahiya. 



Sa sulat ni San Pablo sa mga taga Corinto (1 Cor 4:1-5), binibigyan diin ng Apostol ang aral patungkol sa panghuhugas. Di naman natin trabaho ang maghugas. Ito ay sa Panginoon na Hukom natin. Naghuhugas tayo sa kasalukuyan, kahit hindi pa naman tapos ang buhay ng isang tao. Naghuhugas tayo datapwat di naman natin lubos na tanto ang nilalaman ng puso ng isang tao. Wala sa lugar ang paghuhugas. Di pa panahon ng paghuhukom. 


Sa ebanghelyo ni San Lucas (Lk 5:33-39), tinuturuan tayo ni Hesus na mag-ayuno, sa tamang panahon para sa tamang kadahilan. Ang pag-aayuno ay ang pagliban sa pagkain ng dalawang beses sa isang araw. Isang buong pagkain lamang ang maaaring kainin sa araw ng pag-aayuno. Kalimitan tuwing Kwaresma at mahal na araw tayo nag-aayuno sa Simbahan. Maraming dahil bakit tayo nag-aayuno; Yung iba dahil gustong pumayat, dahil may check-up sa doctor, yung iba nagpapagutom nang husto dahil may eat all you can na pupuntahan. 

Sa ating pananampalataya, tayo ay nag-aayuno, umiiwas sa pagkain nang marami, dahil ninanais nating maunawaan kung ano ang mas mahalaga: ang material na pagkain na makabubusog sa ating katawan o ang espirituwal na pagkain na kaloob ng Maykapal? Nag-aayuno tayo ng magapi natin ang makamundong hangarin ng ating katawan. Sa pag-aayuno pinapalaya natin ang ating mga sarili sa material na hangarin natin, at pinalalakas naman ang kaluluwa nang mayakap nito ang higit na mahalaga sa atin; ang Diyos na tanging makabubusog sa atin. Kung ganoon ang pag-aayuno ay isang paghahanda sa pagtanggap natin sa Diyos; isang paghahanda sa piging na pagsasaluhan natin kasama siya.

Sa ebanghelyo, sumasakanila na; sa mga apostoles, pariseo at escriba, si Jesus, ang Panginoon natin at Diyos. Kailangan pa ba nilang mag-ayuno, gayung nandoon na ang Diyos na kanilang pinaghahandaan? 


May dalawang maaring dahilan kung bakit tutol ang mga pariseo at escriba sa di pag-aayuno ng mga apostoles: Una, marahil di nila tanto na si Jesus ay ang Diyos na matagal na nilang pinaghahandaan. Ikalawa, di na alam ng pariseo at escribe ang dahilan kung bakit sila nag-aayuno. Ang pag-aayuno ay naging kaugalian na lamang, nakasanayan, nakagisingan. Sinusunod nila ito ng di alam ang dahilan. Nang dumating na ang panahon na kailangan na nila itong isantabi, dahil sumakanila na ang katuparan ng pangako ng kaligtasan, di nila ito magawang maisantabi. Nakasanayan na nila. 

Mahirap tanggalin ang nakasanayan na, kahit may bago na, kahit mas maigi ang bago. Minsan kapag ibang bagay na dapat ang ginagawa natin, sa dating gawi pa rin tayo. Iniisip natin wala ng iigi pa sa nakasanayan na. Ito na ang the best. O kaya naman naiisip natin na hanggang dito na lang ako. Ito na lang makakaya ko. We avoid something new because we are afraid we might lose what we thing is the best in exchange of lesser value.


You can't teach an old dog new tricks. But the Good News is: We are not Dogs. We are human persons. We are not old. We are young in contrast to the eternity that awaits us. Every day is an opportunity to learn new things. Jesus presents to us a new way of life: a life of celebration in His presence; a life filled with His presence. May bagong gawi na itinuturo sa atin si Hesus; ito ang gawi ng kabanalan at pagmamahal, ang gawi na maghahatid sa atin sa piging sa langit. 


Umiwas tayo sa mga lumang gawi: ang gawi ng kasalanan.Hindi maaring isalin sa luma ang bago. Maghahalo-halo. Malilito tayo. Hindi tayo maaring maging banal at makasalanan nang sabay. Hindi tayo maairng maging mapagbigay at magnanakaw nang sabay. Hindi ka maaring maging binate at may asawa nang sabay. Gaya ng paglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, sasabog tayo; malilito tayo. Masasayang ang bagong alak. Masasayang ang sisidlang-balat. Masasayang ang buhay natin. 

Inaatasan tayo ng Panginoong Jesus na mag-ayuno. Mag-ayuno di lang sa pagkain kung hindi mag-ayuno maging sa mga lumang bagay; mga bagay na marapat na nating taligdan: ang kasalanan. Mag-ayuno di lang ang tiyan kung hindi maging ang mga mata; sa patitig sa mga bagay na magtutulak sa tin na gumawa o maka-isip ng masama; mag-ayuno ang mga tenga sa pakikinig ng tsismis; mag-ayuno ang bibig sa pamumutawi ng masasamang salita; mag-ayuno ang puso mula sa pagtatanin ng galit at poon laban sa kapwa. Sa pag-aayuno maiwawaksi natin ang lumang gawi; ang gawi ng kasalanan. Sa pag-aayuno mapaghahandaan natin ang pakikipagsalo natin kay Hesus sa makalangin na piging. Sa pag-aayuno maisasabuhay natin ang bagong gawi nang pamumuhay na ibinibigay sa tin ng Panginoong Jesus. 

Ito ang tamang bagay na gawin ngayon: Kung wala ka sa piling ni Jesus, ngayon ang tamang panahon para mag-ayuno. Sa piling ni Jesus wala ng pag-aayuno. Sa langit wala ng pag-aayuno. 

No comments:

Post a Comment