Monday, June 30, 2014

HULING PRINSESA: Isang pagsusuring pang-brodkas

Sa likod ng mga bundok at gubat ng Capiz nagalugad ni Kara David, kasama ang staff at crew ng I-Witness, ang kasaysayan at kwento ng mga binukot; mga prinsesa. Matagumpay nilang na-isadokumentaryo ang istorya ng unti-unting namamatay na tradiyon ng pagbibinukot. Sa dokyumentryong ito, masisilayan at mararamdaman ng mga manonood ang situwasyong kinapapalooban ng isang binukot. Sa pamamagitan ng personal na pakikihalubilo ng dokumentarista, tagapanayam, tagapagbalita na si Kara David, mahusay na nailarawan ang sakit at sarap ng tradisyon ng pagbibinukot.



Kahit na ang dokumentarista ay may kakulangang pangkasaysayan, antropolohiko at sosiolohikal na mga kaalaman, na kailangan para sa higit na ikakalinaw ng nasabing kultura, hindi nabigo ang dokumentaryo sa pagbibigay linaw sa mga manonood sa tunay na sanhi at epekto ng pagbibinukot sa mga tao at sa lipunang kinabibilangan ng mga ito. Sa halip na iasa sa kaalamang taglay ng dokumetarista, minabuti ng staff at crew ng nasabing programa na kapanayamin ang mga ekspertong may ugnay sa kulturang pagbibinukot. Pinili ang mga ekspertong nagsagawa ng masusing pag-aaral sa kulturang ito. Nagmula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Bisayas  ang mga naimbitahang Historian, Anthropologist, at Sociologist na may malawak na inpormasyon sa topic ng dokumentaryo. Naisaad ang mga kaalamang makakapagbigay linaw sa mga kalituhang maaaring pumailanglang sa mga isipan ng manonood sa simula ng programa. Ito ay sa pamamagitan ng matalinong pagtatanong ng dokumentarista sa mga nasabing ekspersto, nakatulong ang mausisa at kritikal na isipan ng dokumentarista sa pahahagilam ng mga kasagutan. Sa parting ito masasabing alam ng programa ang kanilang pananagutang sumagot sa mga katanungan na nagmumula sa kanilang mga pinalalabas, meron itong sense of responsibility sa mga parteng programa na may taglay na kakulangan.
 

Mababakas din sa pagbibigay linaw ng programa, sa mga problemang nagmumula sa kanilang ibinabalita, ang kanilang kamalayan na ang mga manonood ay kabahagi ng kulturang kanilang ibinabalita. Nang ipakita ang mga aksyon na ginagawa ng mga departamento, na may responsibilidad sa kultura, upang iligtas ang unti-unting namamatay na tradisyong pagbibinukot, lalong ipinaramdam ng programa ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng sense of nationalism  sa pagpapahalaga sa mayamang kultura ng mga tribo sa Capiz. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga particular na gawa ng mga myembro at di myembro ng tribo( Halimbawa na lamang ay ang pagtuturo nang libre ng anak ng isang binukot sa mga batang myembro ng tribo ng mga awiting ang tanging nakakaalam ay ang mga iilang binukot na nabubuhay hanggang sa kasalukuyan at ibang piling kasapi ng pamilya na may myembrong binukot.) na nagmimithing maisalba ang nasabing kultura, namulat ang mga mata ng karamihan sa mga manonood. Natanto nila ang mabilisang aksyon upang magkaroon pa nang pagkakataon ang susunod na henerasyon na makita ang kagilagilalas na tradisyon. Responsable ang programa kung sa responsibility ang pag-uusapan, in terms of responsibility towards the audiences.

Gaano man kagaling ang progama ay may taglay pa rin itong kakulangan. Ito ay ang gender sensitivity. Kahit na ba medyo maiintindihan na ang dahilan kung bakit mga babae lang ang maaaring gawing binukot ay naka-angkla sa pangkasaysayang kadahilanan, nakaligtaan ng programa na pag-usapan ang parting ito ng kultura. Nakaliktaan nila na di lang mga babae ang kanilang tagapanood kung hindi mga lalaki din. Sa panahong ito na unti-unti nang nawawala ang diskriminasyon sa mga babae sa mga lalake, ipinagwalang bahala na marahil ng programa ang ganitong anggulo ng nasabing kultura.


Sa kabuuan ang programa ay naglalaman ng mga makabuluhang impormasyon. Impormasyon na naisaad nang may husay at responsibilidad ng dokumentaristang si Kara David.         
             

1 comment: