Sunday, November 17, 2013

ANG BULAG AT ANG MAGANDA

Bawat kaganapan, may likas na ganda. Sa ating mundo ngayon, mas madaling makita ang

Pangit!
Mali!
Kulang!
Di Kanais-nais!

Mas madaling magsabi ng

Mali ito.
Di tama yan.
Kulang pa.
Di maganda yon.

Mapanghamon ang hanapin ang

Maganda!
Tama!
May saysay!
S’yang nararapat!



Ito ang nais ng Panginoon para sa atin:
Makita ang ganda sa mga bagay na Kanyang nilikha;
sa mga pangyayaring kanyang pinahintulutan.

Tayo ang dakilang kaganapan sa ‘san nilikha
Angkin natin ang dakilang ganda



Huwag maging bulag sa kung ano ang maganda. Sa gitna ng mga problemang ating kinakaharap, bilang komunidad man o bilang isang bansa, maging bahagi ng solusyon kaysa sa problema.


Makilahok sa pagbuo ng nararapat na sagot at gawa nang sa huli makita nating lahat ang maganda sa bawat isa, ang maganda sa ating komunidad, sa ating bansa, ang maganda sa atin. 

Panginoon, sa kagandahang loob mo, minabuti mong makakitang muli ang bulag  sa daang patungo sa Jericho. Sa unang pagkakataon makakita siya, napakagandang tanawin ang kanyang nasilayan; ang iyong mukha, Panginoon. Bigyan mo kami ng lakas ng loob, Panginoon, upang aming din masilayan ang maganda dito sa lupa, ang maganda sa amin, at sa huli pahintulutan mong makita rin namin ang maganda mong mukha: ang Kagandahan. Amen.   

No comments:

Post a Comment