Sa pag-ako ni Kristo sa ating kasalanan, naramdaman Niya sa Krus kung paano magkasala. Datapwat wala siyang sala, pinasan niya ang kaparusahan para sa atin. At isa sa mga epekto ng kasalanan ay ang maramdamang malayo tayo sa Dios; na wala ang Dios sa piling natin. Kasalanan ang naglalayo sa atin sa Dios.
Sa tingin ho ba ninyo magkakasala tayo kung alam nating sumasaatin ang Dios? Ang sanhi ng kasalanan ay ang pagkalimot natin na sumasaatin ang Dios. Kalimot: ito ang sanhi ng maraming kasalan: nangalunya si mister dahil nakalimutan niyang mahal niya si misis; nangopya ang estudyante dahil nakalimutang mas higit na mahalaga ang katapatan kaysa sa mataas na grado; napapamura tayo dahil nakakalimutan nating mahal natin ang mga taong ibinababa natin.
Ang epekto ng kasalan ay ang paigtingin ang pagkalimot natin sa Dios: na nilisan tayo ng Dios; na wala ang Dios sa ating buhay; na linayuan tayo ng Dios dahil sa ating kasalanan sa kanyan. Ganyan din ang nadarama natin kapag tayo ay nagkasala: nahihiya tayo sa taong na offend natin. Lumalayo tayo sa kanila o minsan tingin natin nilalayuan tayo nila.
Mula sa pagkalimut sa Dios naging malayo sa Dios.
Ngunit maari ba ito sa Dios? Sa tao possibleng mangyari ito: ang layuan ang taong nagkasala sa atin. Ngunit ang Dios, lalayuan ba tayo ng Dios dahil sa ating kasalanan sa kanyan? Kaya ba tayong pabayaan o kalimutan ng Dios sa ating pagkakasala laban sa kanyan?
Wika ng Dios sa pamamagitan ni propeta Isaias: Hindi kita malilimutan…..Paano tayo malilimutan o mapababayaan ng Dios eh labis niya tayong mahal. Napaka-especial natin sa kanyan. We are unique, we are especial, we are unrepeatable for God. Lagi nating kasama ang Dios sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Yun nga lang minsan tayo, at hindi Siya, ang nakakalimot sa katotohanang ito. Tayo ang lumalayo sa Kanyan. But He holds us even if we let go of Him.
Sa mga pakakataong ito, na sa tingin natin iniwan o nilayuan tayo ng Dios, nararanasan natin ang katahimikan ng Dios. Nakakatagpo natin ang tahimik na Dios. Despite of our sinfulness, God is with us, silently accompanying us/ guiding us back to Him.
Katahimikan. Sinasabing katahimikan ang lenguheng gamit ng Dios. God speaks in silence. Magdasal ka; magpatirapa ka man sa harap ng krus, wala kang tinig na maririning. Tahimik lang siya. Ilan lang ang tuwirang kinausap ng Dios, sa kasaysayan ng Simbahan; sina Santo Domingo; San Francisco; Santo Tomas ng Aquino at iba pa. Karamihan sa atin, di natin narinig ang tinig ng Dios. May nakarining na ho ba ditto sa tinig ng Dios? Maging si Mother Teresa, nakaranas ng katahimikan ng Dios habang pinagsisilbihan niya ang mga mahihirap at maralita sa Calcutta, India.
Sa katahimikan ng Dios sa ating buhay, hindi ito nangangahulugan na di sumasaatin ang Dios, na pinabayaan na Niya tayo. Kasama natin siya lagi. Ito ang pangako niya sa atin (I am with you until the end of time). Di dahil di natin siya marinig ibig sabihin ay wala na Sya o absent na siya sa ating buhay. Tahimik lamang ang Dios kasama natin.
Ang katahimikan ng Dios ay di katahimikan gayang nang sa patay, walang buhay. Ang katahimikan ng Dios ay nagbibigay buhay, kahulugan sa bagay na di natin maintindihan, nagbibigay ng kapayapaan. Kapayapaang nakakamit natin sa gitna ng kaguluhan.
Subukan ninyong pumunta sa Cementerio, tahimik din doon vs. Adoration Chapel’s silence (matakot ka kung may magsalita sa cementerio). Huwag tayong matakot sa katahimikan.
Sa paanyayang katahimikan ng Dios makakamit natin ang kapayapaang magkakaloob sa atin ng pinagpanibagong pananaw sa buhay. The silence of God allows us to reflect and attain a new perspective in life.
Ang pananahimik ng Dios ay di pananahimik ng patay na Dios, kung di ng buhay na Dios na nangungusap sa katahimikan, pagkat walang salita ng tao ang makapaglalarawan sa kung anong ibig sabihin ng Dios sa atin. Makakatagpo lang natin ang Dios sa katahimikan ng ating puso. Ramdam natin ang presensya ng Dios. Ramdam natin ang ibig ng Dios para sa atin. Madalang lamang ang nakakarining sa tinig Dios. Ngunit lahat tayo maaari nating maramdaman ang Dios sa katahimikan ng ating puso. Doon natin Siya hanapin! Sa katahimikan mauunawaan natin ang kalooban ng Dios para sa atin, at matutunang magtiwala sa Dios na nagsasabing “Sagot kita!”
Sa kasalukuyan, marami sa atin, sa ating komunidad ang nakakaranas ng kapabayaan, mga biktima ng kasalanan: mga batang di na inaasikaso ng kanilang mga magulang; pamilyang sinukuan na ng mga mag-asawa na nauuwi sa isang broken family; mga kabataang napariwa at nalululong sa masamang bisyo at ipinagbabawal na gamot, mga biktima ng mapangaping lipunan! marami sa mga kapwa nating ito ang nakakaranas sa katahimikan ng Dios, sa tila paglisan ng Dios sa kanilang buhay (They experience God’s silence and his apparent absence in their lives). Nasasabi rin nila “Dios ko, Dios ko, bakit mo kami pinabayaan?” Ito ay isang hamon sa atin bilang Pilipinong Sambayanang Kristyano: ang maging bibig ng Dios na magbibigay payo sa mga naguguluhan; ang maging kamay ng Dios na magbibigay kagalingan sa mga may sakit; Ang samahan sa katahimikan ang mga taong nakakaranas ng kapabayaan tungo sa kapayapaan; tungo sa pagkaunawa sa mga bagay na pinagdaraanan nila, nang sa gayon wala na sa atin ang magkapagsasabing pinabayan sila ng Dios, dahil naranasan na nila ang Dios sa pamamagitan natin: kung hindi, baka sa pagdarasal natin, may marinig tayong tinig na nagtatanong: Juan, Juana bakit mo pinabayan ang iyong kapwa? Bakit mo ako pinabayaan?